GMA Logo Michael Sager fan meet
What's Hot

Michael Sager, nakatanggap ng sorpresa mula sa fans

By Maine Aquino
Published April 26, 2022 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Sager fan meet


Alamin ang sorpresa na natanggap ng Sparkada star na si Michael Sager mula sa kaniyang mga fans

Masayang masaya ang Sparkada talent na si Michael Sager dahil sa ipinakitang pagmamahal sa kaniya ng kaniyang supporters.

Ayon kay Michael, nakatanggap siya ng sorpresa mula sa kaniyang fans na Sager Warriors. Kuwento ni Michael sa GMANetwork.com, malaki ang pasasalamat niya sa fans dahil sa mga regalong kaniyang natanggap.

"Gusto ko pong magpasalamat sa Sager warriors. Special shoutout po kasi sinurprise pa po nila ako while I was working here at GMA with a Nintendo Switch, a cake, and taping essentials na kailangan ko for upcoming projects."

Paliwanag ni Michael na ramdam niya ang pagmamahal ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kaniyang achievements. Isa si Michael sa mga ini-launch na miyembro ng Sparkada ngayong April ng Sparkle GMA Artist Center.

Saad niya, "Maraming maraming salamat po. I felt so loved and I felt so happy na mayroon pong mga taong nagmamahal sa akin."

Dugtong pa ni Michael na hiling niya na sana ay patuloy siyang suportahan sa kaniyang showbiz career.

"Maraming, maraming salamat po sa suporta and I hope you continue to support me on my journey. And again, maraming maraming salamat to Sager warriors.

Balikan ang masayang media conference ng new Sparkle stars, ang Sparkada: