
Bago magkaroon ng kani-kanilang projects, talagang naghahanda na ang 17 members ng youth-oriented group na Sparkada. Sa katunayan, sumabak na sila sa workshops kasama ang award-winning actress at acting coach na si Ana Feleo.
Ayon kay Ana, tinalakay nila ang iba't ibang techniques sa pag-arte mula drama hanggang comedy.
Aniya, "What I'm first working out on them is their self-worth, their confidence, in real groundedness na confidence, hindi 'yung yabang but 'yung they feel good about their gift, about their talents, about their voice and their space in this industry."
Para naman sa participants, bukod sa magagamit nila ang kanilang mga natutunan bilang mga aktor, magagamit rin nila ito sa totoong buhay.
Ani Roxie Smith, "Ako 'yung pinaka-takeaway ko is acting is reacting. You have to let it naturally flow, hindi mo siya mapipilit, e, so kailangan marunong kang makinig sa ka-eksena mo."
Dagdag ni Larkin Castor, "Kagaya nga ng natututunan namin dito, dapat vulnerable ka lagi, dapat open ka, dapat tanggapin mo kung ano 'yung nararamdaman mo, and para sa akin, nakatulong na po 'yun."
Para naman kay Saviour Ramos, na napapanood sa weekly sea fantaseries ng GMA Network at Regal Entertainment na Raya Sirena, masaya sa pakiramdam kung paano sila tinutulungan ng Sparkle GMA Artist Center at ng GMA Network na mas lalo pang i-improve ang kanilang talent.
Aniya, "Sobrang sarap po sa feeling na nagwo-workshop kami kasi kami naman po, meron naman kaming personal problems din pero dahil sa workshop, nalalabas po namin 'yun."
"And natutunan namin na mas i-control pa 'yung emotions namin."
Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras dito:
Samantala, mas kilalanin pa ang Sparkada sa mga larawang ito: