Showbiz News

John 'Sweet' Lapus, naging emosyonal nang malaman na siya ang napili mag-direk ng primetime project nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

By Aedrianne Acar

Ipamamalas this time ni John Lapus o mas kilala bilang Sweet ang kaniyang creative talent bilang direktor ng much-awaited sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa na mapapanood simula May 14.

Hindi matatawaran ang husay bilang isang comedian ni Direk Sweet na napanood na natin noon sa Show Me Da Manny na pinagbidahan din ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Tinuturing din siya bilang isang top host, dahil napanood siya ng ilang taon sa Showbiz Central.

Fast-forward to today, siya naman ang direktor ng comeback project ng DongYan at magiging abala na ikuwento sa mga manonood ang buhay ng mag-asawang Jose at Maria.

Sa ginanap na grand media conference ng Jose and Maria's Bonggang Villa kahapon (May 6), umamin si Direk Sweet na emosyonal na siya nang malaman na siya ang napili ng mga producer para maging director ng primetime sitcom.

Kuwento niya, “It was such an honor. Hindi lang ito malaking responsibility, malaking pasasalamat. This is also a blessing sa panahon ng pandemya nagkaroon tayo lahat ng trabaho, nagkaroon ako ng trabaho.

“No less to direct the primetime king and queen of GMA, ang dami-daming director na puwede naman gawin ito, [pero] para ako mapili ng aking mga producers. Literally, naiyak po ako, noong una kasi hindi pa sinasabi sa akin ng APT Entertainment na parang tinanong lang ako, kung ano na 'yung mga nagawa kong boards, tapos pinadala lang 'yung mga links.”

Dagdag niya, “Tapos biglang sabi ako na nga 'yung magdi-direk. So sabi ko, 'ano ba 'yan? So, I was really surprised na talang, Dingdong and Marian, totoo ba ito?”

Binigyang-diin ni Direk Sweet na “blessing” ang ganitong show, lalo na at nasa gitna pa rin tayo ng isang pandemya.

Paliwanag niya, “So, naiyak po, dahil nung mga panahon na 'yun tulad n'yong lahat, e, nababali-baliw din ako. So, parang answered prayer din ito. Siguro at the same time, sabi ko nababaliw ako 'pag wala ako ginagawa.

“And dinarasal ko lang dapat mero'n akong ginagawa, kahit ano. So, wala na akong maide-described pa kung 'di biyaya ito ng Panginoon ang buong project na ito.”

Makakasama rin sa highly-anticipated na sitcom na ito ang Sparkle Sweethearts na sina Jamir Zabarte at Zonia Mejia.

Maghahatid din ng ngiti tuwing Sabado ng gabi sina Shamaine Buencamino, Johnny Revilla, at Pinky Amador.

Idagdag pa ang kakulitan nina Pekto, Benjie Paras, Loujude, at Hershey Neri.

Walang mabibitin sa good vibes na handog nina Jose at Maria sa world premiere ng Jose and Maria's Bonggang Villa sa May 14 sa oras na 7:15 p.m.