Showbiz News

Reunion project nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, posible nga ba?

By EJ Chua

Matapos ma-unlock ni Bea Alonzo ang panibagong achievement sa pagkakaroon ng 100 vlogs sa kanyang YouTube Channel, tila isang bagay pa ang gusto niyang gawin.

Ito ay ang muling makasama sa isang proyekto ang kanyang longtime onscreen partner at premyadong aktor na si John Lloyd Cruz.

Sa report ni Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras, ibinahagi rito ang isang magandang balita tungkol sa muling pagtatambal ng dalawang bigating mga artista.

Kapag natapos na raw ang taping ni Bea sa Start-Up Ph at kung magtutugma ang schedule nila ng aktor, malaki ang posibilidad na matuloy ang kanilang dream project.

Pagbabahagi ni Bea, “Lahat ito ay magdedepende pa sa time naming dalawa kung magtutugma at magdedepende pa sa script kung mababasa na ni John Lloyd and if he will agree to doing it. It's very exciting and nakaka-flatter din kasi kahit na sobrang tagal na naming magkapareha hindi pa rin nawawala 'yung interes nila sa amin.”

Panoorin ang buong detalye sa naging interview kay Bea Alonzo sa report na ito:

Ang 'This Generation's Movie Queen' ay mapapanood sa nalalapit na pagpapalabas ng Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up, samantalang si John Lloyd naman ay kasalukuyang napapanood bilang bida sa GMA comedy series na Happy ToGetHer.

Tingnan ang evolution ng aktor na si John Lloyd Cruz sa gallery na ito: