GMA Logo I Hear Your Voice
What's Hot

I Hear Your Voice: Isang malaking pagbubunyag | Week 8 recap

By Ron Lim
Published May 16, 2022 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Epstein files release highlights Clinton, makes scant reference to Trump
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

I Hear Your Voice


Sa ikawalong linggo ng 'I Hear Your Voice,' isang bagay tungkol sa pagkatao ni Doreen ang mabubunyag.

Sa ikawalong linggo ng I Hear Your Voice, patuloy na itinatago ni Zach ang katotohanan tungkol sa kaniyang kapangyarihan mula kay Hayley. Ngunit dahil sa kaso ni Damian Hwang, nagdadalawang-isip ang binata kung tama pa bang itago ang katotohanan mula kay Hayley.

Habang inaasikaso ang kaso ni Damian Hwang ay hindi maiwasang isipin ni Hayley na sana ay nanumbalik na ang kapangyarihan ni Zach upang makatulong sa pagtunton sa anak ni Damian Hwang. Lingid sa kaniyang kaalaman, matagal nang nanumbalik ang abilidad ng binata. Pero kahit si Zach mismo ay nagdadalawang-isip kung itatago pa ba niya ang panunumbalik ng kaniyang kapangyarihan mula kay Hayley.

Sa kamangha-manghang pagkakataon, natuklasan ni Zach na ang tunay na anak ni Damian Hwang ay walang iba kung hindi si Doreen. Dahil sa pagsisinungaling na kaniyang ginawa, naipakulong ng asawa ni Damian Hwang ang kaniyang asawa at napilit si Judge Seo, ang husgado na nagpataw ng hatol, na palakihin ang kaniyang anak.

Patuloy na subaybayan ang I Hear Your Voice, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m., sa GMA.