Showbiz News

Mike Tan, nagpaka-fanboy nang muling makatrabaho si Ina Feleo

By EJ Chua

Kabilang sina Mike Tan at Ina Feleo sa Kapuso stars na hinahangaan ng maraming Filipino viewers dahil sa kanilang husay at talento sa pag-arte na ipinamalas nila sa ilang GMA shows.

Sa latest Instagram post ni Mike, makikitang nakipag-selfie siya sa aktres nang muli niya itong makatrabaho para sa isang episode investigative show na Imbestigador.

Sulat ng aktor sa caption ng kaniyang post, “Salamat po Ms. @ina_feleo sa selfie! Idol na idol ko po talaga kayo. #NgitingFanBoy, #Imbestigador.”

Unang napanood ang dalawa sa television drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na ipinalabas sa GMA noong 2018.

Si Mike ay napanood noon bilang si Marco Angeles habang si Ina naman ay gumanap bilang si Sofia, kapatid ng aktor sa naturang programa.

Nakasama rin nila rito ang ngayo'y Start-Up Ph actresses na sina Yasmien Kurdi at Gina Alajar.

Kasalukuyang napapanood ngayon si Mike Tan sa Artikulo 247 bilang si Julian, ang utak sa likod ng lahat ng masasamang gawain ni Klaire, ang karakter na ginagampanan naman ng aktres na si Kris Bernal.

Samantala, tingnan ang hottest photos ni Mike Tan sa gallery na ito.