Showbiz News

Rayver Cruz, may mensahe sa birthday ni Julie Anne San Jose: 'Mahal kita'

By Aaron Brennt Eusebio

Nagkaroon ng intimate party si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose upang ipagdiwang ang kanyang ika-28 na kaarawan kagabi, May 16.

Sa party, nagbigay ng nakakakilig na mensahe ang katrabaho at kaibigan ni Julie na si Rayver Cruz

"Si Jules talaga 'yung isa sa pinaka naging close sa akin, and siya talaga 'yung close na close sa akin ever since," panimulang mensahe ni Rayver.

"Gusto ko lang sabihin na how much I appreciate you, Jules. Maraming, maraming salamat sa lahat kasi, katulad nung sinabi ni Barbie [Forteza], totoo naman na blessing ka sa lahat ng tao, blessing ka for me, you inspire everyone especially me."

Pinasalamatan din ni Rayver ang mga magulang at mga kapatid ni Julie Anne at nangakong hihintayin niya ang dalaga.

"Happy, happy birthday, Jules. Gusto ko lang sabihin is nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal, kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at kay Tita.

"Palagi lang ako nandito. Mahal kita. Happy birthday."

Happy birthday, Julie Anne!

Samantala, tingnan ang ilang behind-the-scenes photos ng 'Limitless: Rise' concert ni Julie Anne San Jose sa gallery na ito: