GMA Logo Aiai Delas Alas, Golden Cañedo, Betong Sumaya in Florida concert
What's Hot

Aiai Delas Alas, Golden Cañedo at Betong Sumaya, nagbigay-pugay sa Pinoy nurses sa Florida

By Jansen Ramos
Published May 17, 2022 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas, Golden Cañedo, Betong Sumaya in Florida concert


Nakasama nina Aiai Delas Alas, Golden Cañedo at Betong Sumaya sa concert na Headliners for the Frontliners ang Concert King na si Martin Nievera at anak nitong si Robin, at si Carol Banawa.

Sumabak na agad sa concert si Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas pagkabalik niya ng Amerika.

Kasama niya sa show na pinamagatang Headliners for the Frontliners ang The Clash Season 1 winner na si Golden Cañedo at Kapuso comedian na si Betong Sumaya. Ginanap ito sa Curtis M. Phillips Center for the Performing Arts sa Gainesville, Florida noong May 14.

Ito ay para magbigay-pugay sa Pinoy nurses doon na COVID-19 frontliners.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Nakasama rin nilang mag-perform si Carol Banawa na isa na ring nurse sa US.

Kabilang din sa mga nakikanta sa mga kababayan nila roon si Martin Nievera at anak nitong si Robin.

Hindi naman makapaniwala si Betong na nakasama niya sa stage ang Concert King.

Pinuri naman ni Martin ang 20-year-old Kapuso singer na si Golden na tinawag niyang "future of OPM."

Legal US resident si Aiai at umuwi lamang ng Pilipinas para gawin ang GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay na pinagbibidahan nila ni Shayne Sava.

Silipin dito ang buhay-abroad ng batikang aktres kasama ang mister na si Gerald Sibayan: