Showbiz News

'The Witch's Diner,' abangan sa GMA-7

By EJ Chua

Isa na namang Korean drama ang inihahandog ng Heart of Asia para sa mga Kapuso!

Malapit nang mapapanood sa GMA ang dark fantasy drama series na The Witch's Diner.

Iikot ang istorya nito sa mga taong desperadong makakain sa isang kakaiba at mahiwagang restaurant.

Gagawin nila ang lahat upang makapasok dito at makakain ng special meal na magiging daan upang matupad ang kanilang kanya-kanyang kahilingan.

Pagbibidahan ito ng Korean actress na si Song Ji-hyo, ang restaurant operator na mayroong supernatural powers.

Makikilala rin dito ang mga karakter ng Korean stars na sina Nam Ji Hyun, Chae Jong-hyeop, at marami pang iba.

Anu-ano kaya ang kahilingan ng mga taong pupunta sa restaurant ni Song Ji-hyo?

Ipagpapalit kaya ng mga customer ang mahahalagang bagay o tao sa kanilang mga buhay para lamang sa katuparan ng kanilang kahilingan?

Magiging matagumpay nga ba sila sa tulong ng isang witch at magical powers nito?

Sabay-sabay nating alamin ang mga kasagutan sa The Witch's Diner, abangan!

Samantala, tingnan ang top 10 trending K-dramas na minahal ng mga Pinoy noong taong 2021 sa gallery na ito: