Showbiz News

Billiards champions Rubilen Amit at Johann Chua, nakasungkit ng ginto sa 2022 SEA Games sa Vietnam

By Aimee Anoc

Kapwa nakasungkit ng gintong medalya sina Rubilen "Bingkay" Amit at Johann "Bad Koi" Chua sa 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.

Kahapon, May 17, muling dinipensahan ni Rubilen ang titulo sa women's nine-ball singles kung saan naiuwi niya ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas para sa billiards.

Ngayon araw naman nakuha ni Johann ang una niyang gintong medalya sa SEA Games para sa men's nine-ball singles matapos na talunin ang kapwa Filipino na si Carlo Biado.

Si Rubilen ang nagsilbing script consultant ng upcoming sports drama series ng GMA na Bolera habang si Johann naman ang naging tagapagsanay ni Kylie Padilla sa billiards.

Abangan sina Rubilen at Johann sa Bolera, simula May 30 sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan ang mga larawang kuha sa set ng Bolera kasama sina Rubilen Amit, Johann Chua, Francisco Bustamante at Efren Reyes sa gallery na ito: