
Pinakilig ni Mikee Quintos ang kaniyang followers sa Instagram dahil sa isang sweet na post.
Sa kaniyang bagong Instagram post, nagsulat siya ng isang short but sweet message para kay Paul Salas.
Photo source: The Lost Recipe
Saad ng Apoy sa Langit actress, "Halika nga!!!! I luuuuh-miss you, @paulandre.salas"
Sagot naman ni Paul kay Mikee, "Hihihihihih iluhmisshu"
Nitong May ay inamin ni Paul sa Mars Pa More na dating na sila ni Mikee. Saad ni Paul, "hindi kami nagmamadali pero dating kami. Dating."
Ilan sa mga kaibigan nina Mikee at Paul ang kinilig sa post ni Mikee. Isa sa mga ito ay ang malapit na kaibigan ni Mikee na si Ruru Madrid.
Photo source: Instagram
Nag-comment rin ang ilan sa mga nakasama nina Mikee at Paul sa The Lost Recipe na sina Thea Tolentino, Crystal Paras, at Chef Anton Amoncio.
Photo source: Instagram
Nakita rin ang kilig comments ng Apoy sa Langit co-stars ni Mikee na sina Lianne Valentin, Coleen Paz, at Celine Fajardo.
Photo source: Instagram
Ayon sa post ni Mikee, nagkasama sila ni Paul sa isang resort sa Nueva Ecija bago siya sumabak sa second lock-in taping ng Apoy sa Langit.
Samantala, tingnan ang ilang mga kilig photos nina Mikee at Paul sa gallery na ito.