
Nag-upload ng isang sweet na Instagram post si Maricel Laxa para sa kaniyang Apoy sa Langit co-stars na sina Mikee Quintos at Lianne Valentin.
Saad ni Maricel sa kaniyang caption, "Lovin' these lovely ones."
Ayon sa mahusay aktres, natutuwa siya na nakatrabaho niya sina Mikee at Lianne sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Langit. Si Maricel ay gumaganap bilang Gemma at si Mikee naman ay ang anak niyang si Ning sa programa. Samantala, si Lianne ay napapanood sa serye bilang Stella.
Paliwanag niya pa ay kitang kita niya ang passion at determination ng dalawa sa pag-arte.
Ani Maricel, "Working with Mikee and Lianne has been so refreshing. It is such a joy to know these two in a special way. They are determined and passionate about their work."
Saad rin ni Maricel na natutuwa siya dahil sina Mikee at Lianne ay ipinagbubuti ang kanilang pag-arte.
"Nakakatuwang makasama ang mga batang ito na laging nag-aaral at gusto na palaging ipagbuti ang kanilang ginagawa."
Sa comments section ay sumagot sina Mikee at Lianne sa post ni Maricel. Puno ng pagmamahal sina Mikee at Lianne para kay Maricel.
Photo source: Instagram
Tutukan ang mga Kapuso actresses na sina Maricel, Mikee, at Lianne sa Apoy sa Langit, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, kilalanin ang cast ng Apoy sa Langit sa gallery sa ibaba: