Showbiz News

Herlene Budol, PhP 150K ang halaga ng gown na isinuot sa Bb Pilipinas Grand Santacruzan

By Maine Aquino

Ibinahagi sa vlog ni Herlene Budol ang detalye tungkol sa kanyang intricate gown na isinuot sa Binibining Pilipinas 2022 Grand Santacruzan.

Ang Binibining Pilipinas 2022 Grand Santacruzan ay ginanap sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa kanyang vlog, gawa ng designer na si Geronie Labora ng Zamboanga City ang suot na gown ni Herlene. Ito ay nagkakahalagang PhP 150,000.

Photo source: herlene_budol

Ang nabunot ni Herlene para sa ginanap na Binibining Pilipinas 2022 Grand Santacruzan ay ang Our Lady of Guadalupe kaya dito inspired ang kanyang kasuotan.

Biro ni Herlene sa vlog, "Shout out nga pala, mayroon akong Php 150,000 worth na gown ngayong araw na 'to. Buti na lang 'di sa akin galing 'yung pera."

Panoorin ang vlog ni Herlene kasama ang manager niyang si Wilbert Tolentino dito:

Samantala, tingnan ang mga photos ni Herlene para sa Binibining Pilipinas 2022 dito: