GMA Logo I Hear Your Voice
What's Hot

I Hear Your Voice: Ang ghost murder trial | Week 9 recap

By Ron Lim
Published May 23, 2022 7:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Epstein files release highlights Clinton, makes scant reference to Trump
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

I Hear Your Voice


Sa ikasiyam na linggo ng 'I Hear Your Voice,' haharapin ni Doreen ang katotohanan ng kaniyang pagkatao.

Sa ikasiyam na linggo ng I Hear Your Voice, matatagpuan nina Hayley, Doreen, at Zach ang kanilang mga sarili na parte ng ghost murder trial. Masalimuot ang kaso dahil sa personal na koneksiyon ni Doreen dito.

Ngayong sinabi na ni Hayley kay Doreen ang katotohanan ukol sa kaniyang pagkatao, nahihirapan ang prosecutor na tanggapin ang balita. Mas lalo pa itong naging komplikado dahil isa sa mga hiling ni Damian Hwang ay ang humingi ng tawad ang tumayong ama ni Doreen sa kaniya. Nang sinubukan i-deny ni Doreen ang katotohanan, lalong ipinamukha ni Hayley ang mga ebidensiya sa kaniya, na siyang ikinagalit lalo ni Doreen.

Dahil sa mga nalaman niya mula kay Hayley, gumawa ng paraan si Doreen upang hindi diretsong itanong sa kaniyang tumatayong ama kung anak nga siya ni Damina Hwang. Sa kasamaang-palad, ang nakuhang sagot ni Doreen ay hindi ang sagot na hinahanap niya.

Samantala, sinisikap naman ni Zach na ipaintindi kay Hayley kung bakit kailangan bigyan ng oras si Doreen na tanggapin ang katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao. Tama naman ang abiso ni Zach dahil pumayag na rin si Doreen sa DNA test.

Ngayong natanggap na niya ang resulta ng DNA test, hindi na maitatanggi ni Doreen ang katotohanan na anak nga siya ni Damian Hwang. Si Hayley naman at harapang kinompronta ang tumatayong ama ni Doreen na si Judge Seo at ipinaalam sa kaniya na pumayag si Doreen na magpa-DNA test, sa kondisyon na panatilihing malinis ang pangalan ni Judge Seo.

Nagsimula na ang pagdinig sa kaso ni Damian Hwang at kaagad itong nakakuha ng atensiyon dahil inaakusahan si Damian Hwang na pumatay sa isang biktima na diumano'y pinatay na niya 26 na taon na ang nakalipas. Lingid sa kaalaman ng publiko, meron pang komplikasyon sa kasong ito dahil nga anak ni Damian Hwang si Doreen, ang prosecutor ng kaso.

Dahil may taning na ang buhay ni Damian Hwang, kung magkaroon man ng retrial sa kaniyang naunang kaso ay malamang hindi na niya ito maabutan ng buhay. Kung kaya bago pa magsimula ang cross-examination sa kaniya ni Doreen ay nagbigay na siya ng mensahe sa kaniyang anak na nais lang niyang magpatuloy ang magandang buhay nito.

Sa kaniyang closing statement para sa kaso, ipinaalala ni Hayley na may taning na ang buhay ni Damian Hwang at pati na rin ang kalunos-lunos na sinapit nito dahil sa maling sentensiya sa kaniya sa kaniyang nakaraang kaso. Pinakiusapan niya ang mga ito na gawaran ng makataong hatol si Damian ngayong nahaharap siya sa kasong nasentensiyahan na siya ilang dekada na ang nakalipas.

Sa loob ng conference room ay patuloy ang pagtatalo ng mga judges at jury tungkol sa kaso ni Damian Hwang dahil magkaiba ang hatol ng dalawang grupo. Inosente si Damian Hwang sa mga jury, ngunit guilty naman ang hatol ng mga judges. Naging komplikado pa lalo dahil nagkaroon na muli ng malay ang biktimang tinangkang patayin ni Damian Hwang. Sa huli, si Doreen na ang gumawa ng paraan upang magkaroon ng resolusyon.

Patuloy na subaybayan ang I Hear Your Voice, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m., sa GMA.