
Magiging masaya ang pagpasok ng "ber" months para sa maraming fans ng Filipino folk-pop band na Ben&Ben dahil sa gaganapin nitong live concert sa darating na September 3, 2022.
Ang magandang balitang ito ay inanunsyo mismo ng Ben&Ben sa kanilang official Instagram account.
"Save the date! Major Sendoff Concert this Sept 3. CCP Open Grounds. More details coming soon. Produced by @ovationprod," caption ng OPM band sa kanilang post.
Ito ang magsisilbing send-off concert ng banda bago umalis patungo sa kanilang eight-day U.S. tour.
Ang nasabing concert ay pangungunahan ng international live events company na Ovation Productions na kilala sa pag-promote ng international artists gaya ng Grammy award winner na si Taylor Swift.
Ayon sa nasabing events production company, ito ang first time na magpo-promote sila ng isang Filipino band.
Ang Ben&Ben ay ang banda sa likod ng mga sikat na awitin na "Kathang Isip," "Ride Home," "Leaves," "Pagtingin," at "Lifetime."
Mas kilalanin naman ang Filipino folk-pop band na Ben&Ben sa gallery na ito.