
Matapos ang kanyang trabaho sa upcoming Philippine live action adaptation na Voltes V: legacy, diresto na si Kapuso star Miguel Tanfelix sa susunod niyang project.
Nagbigay siya ng pasilip sa bago niyang show sa kanyang Instagram account.
Ibinahagi ni Miguel ang title ng show, maging ang pangalan ng kanyang karakter kasama ang isang selfie at isa pang litrato na tila in character na siya.
"From #VoltesVLegacy straight to #WhatWeCouldBe 's first taping day! Coffee plus rubber ducky for my energy lol
"Hey, Franco ," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Excited naman ang kanyang followers sa bago niyang role at project. Nakatanggap din si Miguel ng pagbati mula sa ilang celebrity friends.
"Congratulations bro solid @migueltanfelix_ ," sulat ni actor and dancer Rodjun.
Sinagot naman ito ni Miguel ng simpleng, "Thanks kuya RJ!"
"Congratulations!!!" mensahe naman ni Carla Abellana na co-star ni Miguel sa Voltes V: Legacy at may special participation sa show bilang nanay ng kanyang karakter.
"Thank you, mama! " sagot ni Miguel sa aktres.
Para sa iba pang updates tungkol sa mga proyekto ni Miguel, bumista lang sa GMANetwork.com.
Samantala, mas kilalanin pa si Miguel Tanfelix sa gallery na ito: