Showbiz News

Makikita ba natin ang 'tempura walk' ni Herlene Budol sa Binibining Pilipinas coronation night?

By Aedrianne Acar

May pangako ang False Postive star at Binibining Pilipinas candidates na si Herlene Budol a.k.a Hipon Girl sa magiging signature walk niya sa coronation night ng Binibining Pilipinas.

Sa panayam kay Herlene ng 24 Oras, gusto niya sorpresahin ang kanyang loyal fans sa magiging signature walk niya. Matatandaan na pinasikat ni Pia Wurtzbach ang 'tanim bala walk' at si Catriona Gray naman pinauso ang kaniyang 'lava walk.'

Ano naman kaya ang itatawag ni Herlene sa kaniyang version?

Kuwento niya sa Chika Minute, “Abangan po natin kung ano'ng lalabas sa lakad natin kung tempura ba, hipon or gambas seafood [laughs].”

Samantala, may tawag na si Binibining Pilipinas candidate Mary Justinne Punsalang sa magiging pasarela walk niya. Saad niya, “Ah! Journalist walk ba tayo, reporter walk. 'Yung tipong paano pumunta sa coverage pero naka-awra pa rin.”

Samantala, umangat ang ganda ng lahat ng 40 candidates sa Binibining Pilipinas, dahil tampok sa isang mall sa Quezon City ang photo exhibit ang kanilang glam shoot.

Ayon sa Sparkle artist na si Lala Vinzon na nagco-compete sa pangalang Ma. Isabel David na nakaka-proud makita na maganda ang kinalabasan ng kanilang unique photoshoot.

Sabi ni Lala sa panayam ng 24 Oras, “Nakaka-proud kasi ang gaganda ng mga pictures namin lahat ng mga Binibini, all the 40 candidates.”


Narito naman ang career highlights ng funny and beautiful na si Herlene Budol: