Showbiz News

Jeric Gonzales, tiba-tiba sa blessings ngayong 2022

By Marah Ruiz

Tila suwerte ang taong 2022 para sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Source: jericgonzales07 (IG)
Nakatanggap kasi siya ng parangal na Critics Choice for Best Actor in an Indie sa Mokkho International Film Festival sa India para sa pagganap niya sa pelikulang Broken Blooms.

Bago pa man nito, nakuha na niya ang kanyang first international acting award sa Harlem International Film Festival kung saan hinirang siya bilang Best Actor para sa parehong pelikula.

Bukod kay Jeric, nakatanggap din ng ilan pang pagkilala ang Broken Blooms. Ito ang natatanging Filipino film na napili para makasa sa 41st Oporto International Film Festival sa Portugal.

Napanalunan din nito ang Gold Remi Award sa Houston International Film Festival.

Napili naman ito bilang Best Narrative Feature Film sa Mokkho International Film Festival sa India kung saan natanggap ng co-star niyang si Therese Malvar ang Critics Choice or Best Actress in an Indie habang nakamit naman ni Broken Blooms director Louie Ignacio ang Special Jury Award for Best Director.

Masaya si Jeric dahil lahat ng ito ay karagdagan pa sa maraming blessings na natanggap niya ngayong taon.

"Start-Up, 'yun pa lang ang laki na talagang opportunity to be with Alden [Richards] and Bea [Alonzo]. 'Yung project, sobrang laki. Ito na namang achievement na 'to [para sa Broken Blooms], na-recognize kami dito so I'm beyond grateful talaga," pahayag ni Jeric.

Halos kalahati na raw ang natatapos nilang kunan sa mga eksena nila sa Start-Up PH. Kahit daw adapted ito mula sa isang South Korean series, sigurado raw siyang magugustuhan din ito ng Filipino audiences.

"Adaptation siya pero with a twist. 'Yung culture natin dito sa Philippines, ipapakita din doon," paliwanag niya.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, silipin ang glow up ni Jeric sa gallery na ito: