Showbiz News

Half-Filipina Chantal Videla is introduced as member of new K-pop group

By Jimboy Napoles

Muling bibida ang ganda at talento ng isang Pinay sa international scene kasama ang 19-year-old Filipino-Argentinian actress na si Chantal Videla na ipinakilala kamakailan bilang miyembro ng bagong K-pop girl group na Lapillus.

Sa official Twitter account ng nasabing bagong girl group, makikita ang

stunning photo ni Chantal mula sa kanilang naging photoshoot.

"Chanty," ang caption sa nasabing post, na tila magiging stage name ni Chantal.

Sa social media, marami na ring mga Pinoy ang nagpahayag ng kanilang suporta at excited na sa debut ni Chantal bilang K-pop idol.

Bago pa man mag-training sa Korea, marami na ring naging commercial at TV projects si Chantal habang nasa Pilipinas.

Samantala, kilalanin naman ang ilang mga Hollywood celebrities na may dugong Pinoy sa gallery na ito: