Aling mga tourist destinations sa Cebu ang mapapanood sa bagong Kapuso Primetime series?
Pinangungunahan ng DerBie love team nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ang upcoming GMA Telebabad soap na mapapanood na ngayong summer.
Isa sa pinakamagandang white beaches sa bansa ang isla ng Bantayan na matatagpuan sa hilaga ng Cebu island.
Mga Cebuanos, pamilyar ba sa inyo kung nasaan ang Kapuso leading man dito sa photo na ito?
Mukhang nasa ibang bansa ang aktres pero sa totoo lang, nasa Cebu Sirao Flower Farm lang siya.
Kasing fresh ng mga bulaklak ang awra ng 'Pepito Manaloto' star na gaganap bilang ina ni Barbie sa serye.
Kulay yellow, fuchsia at orange ang Celosia flowers na tumutubo sa garden.
Tinaguriang 'Mini Amsterdam' ang farm na 30-45 minutes mula sa siyudad.
Mahal ng cast at crew ang Cebu!
Rumampa ang komedyante at ang kontrabida sa Temple of Leah.
Tinaguriang “Cebu's Taj Mahal” ang sikat na tourist destination dahil regalo ito ng lolo ni Ellen Adarna na si Teodorico Soriano Adarna sa kanyang asawang si Leah Albino-Adarna.
Matatagpuan dito ang mga alaala ng mag-asawa. Ayon kay Teodorico, “I constructed this temple in the year 2012 A.D. as a symbol of my undying love for and ceaseless devotion to Leah Villa Albino-Adarna, my wife of 53 years. I adopted an architectural design that can withstand time and still be appreciated for a millennium so this temple will become a landmark of Cebu, where future generations of the Adarna clan ...can come and trace their roots and heritage.”
Historical landmark naman mula sa taong 1521 ang kinatatayuan ng aktres. Simbolo ng Kristiyanismo ang paglalagay ng krus ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan sa Cebu.
Matatagpuan din dito ang oldest Christian relic na isang rebulto ni Sto. Niño sa simbahan na ipinatayo ni Miguel Lopez de Legazpi at Fr. Andres Urdaneta noong 1565. Dinadagsa ito ng karamihan tuwing Sinulog Festival.
Ang major attraction na ito ay opisyal na tinatawag na Sergio Osmeña Bridge na umuugnay sa Mandaue City at Lapu-Lapu City.
Way back 1970's pa ang tulay na kinatatayuan ng young actress.
Nagpapatawa lang po si Direk!
Pahinga ang peg ng mga donya!
Donya-donyahan ang aktres na magiging kontrabidang ina ni Derrick sa kwento.
Here's another donya shot of Mrs. Sommereux na parang bang 'living the Parisian life.'
In-character sina Amanda at Patrick sa original branch ng French wine cellar sa Lahug, Cebu City.
Abangan ang newest Primetime series na hinahanda ng GMA News and Public Affairs team, soon on GMA!