GMA Logo Jeric Gonzales
What's Hot

Jeric Gonzales on his best actor awards: 'I am happy to prove na I can act'

By Maine Aquino
Published June 1, 2022 2:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Gonzales


Kinilala si Jeric Gonzales bilang best actor sa pelikulang 'Broken Blooms.'

Puno ng pasasalamat si Jeric Gonzales sa itinatakbo ng kanyang showbiz career ngayong 2022.

Bukod sa pagiging parte ng Start-Up Ph, pumirma rin ng kontrata si Jeric sa biggest contract signing event ng Sparkle GMA Artist Center na Signed For Stardom. Ginanap ito last May 26 sa GMA Network.

Photo source: sparklegmaartistcenter

Saad ng aktor sa exclusive interview ng GMANetwork.com, "I'm very grateful of course kasi in my 9th year in showbusiness, I am going to continue my goal and my dream as an artist and as an actor."

Kuwento rin ni Jeric, sa dami ng kanyang pinagdaanan ay marami pa rin siyang gustong gawin sa kanyang career.

"Marami pa akong gustong gawin dito sa industriya sa pagkanta, sa pag-arte. Marami pa akong dream roles. Marami pa akong gustong gawin. Hopefully in the coming years magawa ko."

Pinag-usapan din sa interview ang kanyang best actor awards na natanggap para sa pelikulang Broken Blooms. Ang Broken Blooms ay ang Filipino film na humakot ng ilang international awards. Kasama ni Jeric sa pelikula sina Therese Malvar, Royce Cabrera, Norman “Boobay” Balbuena, Lou Veloso, Mimi Jureza, Rico Barrera, Cherry Malvar, Cecil Yumul, Rosette Aquino, and veteran actress Jaclyn Jose. Ang Broken Blooms ay sa ilalim ng direksyon ni Luisito “Louie” Lagdameo Ignacio.

Tumanggap si Jeric ng Critics Choice Awards for Best Actor in an Indie sa Mokkho International Film Festival at Best Actor Award sa Harlem International Film Festival.

Ani Jeric, mahalaga sa kanya ang pagkilalang ito bilang best actor.

"It means so much to me kasi dream ko talaga 'yan na gumawa ng pelikula at maging lead doon. Natupad naman, nagawa ko itong Broken Blooms na naging lead ako pero yung ma-recognize ka internationally as best actor; I am beyond grateful."

Pag-amin ni Jeric, isa itong patunay na nasa tamang landas siya sa kanyang showbiz career.

"Parang it proves na I deserve to be here. Parang ganoon."

Ibinahagi ni Jeric na iba't ibang negative comments ang natanggap niya noon pagdating sa pag-arte. Ngayon ay masasabi niya na raw na proud siya bilang isang aktor.

"I am very proud of myself of course kasi 'yung journey I had dito sa showbusiness... I've been bashed, ang daming comment sa akin about sa acting ko, ngayon I am happy to prove na I can act. Matatawag ko na ang sarili ko na aktor talaga."

Pagdating sa bashing, inamin niyang nasasaktan man siya, pinili ni Jeric na hindi sumagot sa mga ito. Tiningnan na lamang niya ito as constructive criticism.

"At first medyo masakit siyempre. Pero I take it as constructive talaga and never ako sumagot sa comments and bashing ng mga tao kasi para sa akin kasi lahat ng tao may say sa ginagawa mo cause you are a public figure. Turn it into a positive thing na lang."

Balikan ang mga naganap sa Signed For Stardom ng Sparkle GMA Artist Center dito: