Showbiz News

Ruffa Gutierrez 'heartbroken' sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez

By Jimboy Napoles

Hindi lang fans at netizens ang naapektuhan sa hiwalayan ng singer-songwriter na si Moira Dela Torre at asawa niya na si Jason Hernandez kung 'di pati na rin ang iba pang kapwa celebrities gaya ng dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez.

Sa pagtatapos ng buwan ng Mayo kahapon ay kinumpirma rin ni Jason sa isang Facebook post ang pagtatapos ng kanilang relasyon ni Moira at inamin na minsan siyang nagkasala sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama matapos silang ikasal.

Sa Twitter, nag-tweet si Ruffa na ikinalulungkot niya ang hiwalayan ng tinawag niyang "favorite couple."

"Heartbroken for one of my favorite couples," ani Ruffa.

Samantala, agad naman na ni-repost ni Moira ang viral post ni Jason tungkol sa kanilang hiwalayan. Humihingi naman ng privacy ang dalawa dahil sa kanilang pinagdaraanan.

Bago pa man ang kumpirmasyon na ito, naging maugong na rin ang isyu ng hiwalay na ang dalawa dahil sa cryptic posts ni Moira sa social media kamakailan.

Pinabulaanan naman ito noon ni Jason sa pamamagitan ng isang Twitter post.

January 2019 nang ikasal sina Moira at Jason. Kilala si Moira dahil sa kanyang hugot at heartbreak songs gaya ng 'Malaya," at "Paubaya."

Samantala, balikan ang relationship timeline nina Jason at Moira sa gallery na ito.