Showbiz News

Andrea Torres, may live performance sa Japan ngayong Independence Day

By Marah Ruiz

Masaya si Kapuso actress Andrea Torres sa upcoming live performance niya para sa mga Kapuso abroad.

Bahagi kasi si Andrea ng live presentation ng GMA Pinoy TV sa Philippine Expo 2020 sa Japan.

"Talagang ginawa ng GMA lahat para siksik, lalung-lalo na kasi ang dami nating sine-celebate sa buwan na 'to--Independence Day, Rizal Day. Talagang 'yung mga Pinoy, gusto namin 'yung maradaman talaga nila 'yung pagkakaisa, kaya nga 'Stronger Together,'" pahayag ni Andrea.

Mas lalo pa daw siyang naging excited dahil mismong June 12, Independence Day, nakatakda ang kanyang performance.

"Talagang nagpa-record ako ng mga bagong songs. Lahat ng magpapasaya sa mga Kapuso natin doon, gagawin ko," lahad ng aktres.

Katatapos lang ni Andrea ng shooting ng kanyang Argentine-Filipino film na Pasional. Isa raw karangalan para sa kanya na maipaikta sa mga banyaga ang ganda ng Pilipinas.

"Sabi nga nila, first time nila nakakita ng ganoon ka blue na water. Namangha sila kasi siyempre ang ganda ng Palawan. Kahit po ako, first time ko doon. Hindi ko alam na mayroon tayong mga ganoon dito sa Pilipinas," paggunita niya.

Ipinatikim din daw niya ang ilang Filipino dishes sa cast at crew ng pelikula.

"Tinry nila lahat mga pagkain natin kahit 'yung mga isaw. Favorite nila siyempre 'yung adobo. Talagang hit 'yan sa lahat," aniya.

Dahil sa magandang experience niya sa Pasional, na-inspire daw si Andrea na mag-enrol sa Spanish class.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, silipin ang filming ng Pasional sa Pilipinas sa gallery na ito: