Showbiz News

The Witch's Diner: Hera's restaurant is now open! | Week 1

By EJ Chua

Sa unang linggo ng The Witch's Diner, nakilala na ng mga Kapuso ang witch at ang restaurant owner na si Hera (Song Ji-hyo).

Kasunod ng pagbubukas ng Witch's Diner, ipinakilala na rin ni Hera ang kaniyang mga makakatulong sa kaniyang mahiwagang business.

Isa na rito si Jinny (Nam Ji-hyun), ang babaeng gustong tulungan ang kaniyang ina na matupad ang pangarap nitong negosyo.

Dahil sa kagustuhang umunlad ang kanilang buhay, isang bagay ang sinubukan ni Jinny at ng kaniyang ina.

Ngunit sa kasamaang palad, bigla na lamang gumuho ang kanilang mundo nang malaman nilang niloloko lang pala ng kanilang ka-transaksyon.

Jinny and her mom's dream

Nang mapasok si Jinny sa Witch's Diner bilang waitress at kanang kamay ni Hera, isang bagay ang kaniyang hiniling sa witch na hindi niya inaasahang agad na mangyayari.

Ang kahilingan ni Jinny, nangyari na!

Bukod kay Jinny, mayroong isa pang katuwang si Hera sa restaurant. Siya si Leo (Chaeng Jong-hyeop), ang part-timer sa Witch's Diner.

Bukod sa kaniyang pagpasok bilang waiter, isang bagay ang kaniyang hihilingin sa witch at boss nila na si Hera.

Leo's wish

Sino kaya ang susunod na customer ng witch na si Hera?

Abangan sa mga susunod na tagpo sa The Witch's Diner, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. at tuwing Biyernes, 10:35 p.m., dito lang sa GMA-7.

Samantala, kilalanin ang cast ng dark fantasy drama series na The Witch's Diner sa gallery na ito: