GMA Logo show window the queens home
What's Hot

Song Yoon-ah, bibida sa 'Show Window: The Queen's House'

By EJ Chua
Published June 9, 2022 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

show window the queens home


Kilalang Korean actress na si Song Yoon-ah, malapit nang mapanood sa Kapuso Network!

Sa nalalapit na pagpapalabas ng Show Window: The Queen's House, mapapanood dito ang Korean singer, model at actress na si Song Yoon-ah.

Si Song Yoon-ah ay kilala bilang isang napakahusay na aktres na napanood bilang bida sa napakaraming Korean drama series tulad na lamang ng My Beloved Sister (2006), Mama (2014), Secret Mother (2018), Graceful Friends (2020), at marami pang iba.

Ngayong 2022, mapapanood siya sa panibagong handog ng GMA Heart of Asia na Show Window: The Queen's House.

Ang 48-year-old actress ay gaganap sa seryeng ito bilang si Sofia, ang maganda, mayaman at matalinong babae na tinitingala ng marami.

Bukod kay Song Yoon-ah mapapanood din dito ang Korean actors na sina Lee Sung Jae na gaganap bilang si Marco, ang asawa ni Sofia, Jeon So-min na mapapanood bilang si Mira, at si Hwang Chang-sun na gaganap bilang si Jason.

Ano at sino kaya ang magiging dahilan kung bakit magiging magulo at masalimuot ang buhay ni Sofia?

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na eksena sa Show Window: The Queen's House, malapit nang mapanood sa GMA Telebabad!

Samantala, kilalanin ang star-studded cast ng upcoming television drama series na 'Start-Up Ph' na mapapanood din sa GMA Telebabad sa gallery na ito: