Showbiz News

Direk Maryo J. delos Reyes on 'Magkano Ba Ang Pag-ibig?': It's going to be a battle of acting prowess'


Pahiram ng Sandali
ang last project ng batikang direktor na si Mario J. delos Reyes sa Kapuso network. Sa ilalim ng direksyon ni Direk Maryo J., lalo pang naging outstanding ang acting nina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Dingdong Dantes at Max Collins sa nasabing teleserye.

Kaya naman inaasahan na magiging isa na namang obra ang Magkano Ba Ang Pag-ibig?, ang bagong project ni Direk Maryo J. sa Afternoon Prime ng GMA.

Kapwa maniningning na bituwin ang makaka-trabaho ng batikang direktor sa seryeng ito, sinamahan pa ng isang magandang kwento na si Direk Maryo J. din ang bumuo kaya talaga namang very promising ang family-drama na pagbibidahan nina Heart Evangelista, Sid Lucero at Dominic Roco. Unang beses maka-trabaho ni Direk Maryo J. ang tatlong bida at ayon sa direktor, “I’m delighted.”

Hindi raw malayo sa kultura nating mga Pilipino ang kwento ng teleseryeng ito. Bukod sa isang love story, tungkol din ito sa relasyon ng mga manugang at kanilang mga biyenan sa isa’t isa.

“It’s actually the dynamics between the in-laws and daughters-in-law. It’s a house of women, how will they interact with one another? Sino yung homemaker ng bahay, sino yung ambisyosa, who can function as the brains?,” aniya. Ang mga karakter na tinutukoy ng direktor ay ang biyenan sa kwento na gaganapan ng primera kontrabida na si Celia Rodriguez at ang kanyang mga manugang ay isasabuhay naman nina Katrina Halili, Alessandra de Rossi at Ana Capri.

“Then we have Eloisa’s family headed by Pen (Medina) who is sickly. It has dynamics also. Like indebtedness, subservience, pagkaka-utang,” kwento ni Direk Maryo J. Ang veteran actor na si Pen Medina ang gaganap bilang ama ni Heart Evangelista sa istorya.

Biro ni Direk Maryo J. na malaki raw ang budget ng show dahil sa mga bigating artista na nabanggit. “It’s quite a big casting for an afternoon show. It’s going to be a battle of acting prowess because of your presence especially with Manay Celia Rodriguez. Lahat kayo ay napakagagaling sa inyong field. Kaya it’s going to be an interaction. And I hope that we can come up with something that is beautiful,” bilin ni Direk Maryo J. sa buong cast.

Primetime quality sa hapon ang ipinapangako ni Direk Maryo J. delos Reyes kasama ang buong cast ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? sa mga manonood. Magsisimula na ito sa September 30 sa Afternoon Prime ng GMA. Maaari ring makita ang photo gallery ng cast sa Story conference of Magkano Ba Ang PAg-ibig?Text by CJ Mendoza / Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com