Showbiz News

Moira Dela Torre posts '10- minute version' of hugot song 'Malaya' following break-up with husband Jason Hernandez

By Jimboy Napoles

Puno ng emosyon ang bagong bersyon ng hugot song ni Moira Dela Torre na "Malaya" matapos niyang baguhin ang ilan sa mga linya ng lyrics, na inayon niya sa kanyang pinagdaraanan matapos ang pinag-usapang hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Jason Hernandez.

Kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas kahapon, June 12, ipinost naman sa TikTok ng singer-songwriter ang video niya habang inaawit ang nasabing bagong bersyon ng 'Malaya.'

"Happy malaya day. Malaya (10min version...)," caption ni Moira.

Mula sa orihinal na mga linyang, "Kung 'di pipilitin ang 'di para sa akin, baka sakaling maibalik," ay ganito ang naging bagong mga linya ni Moira, "Kung 'di pipilitin ang 'di pala para sa akin, baka sakaling mahanap ang sarili."

Kapansin-pansin sa updated lyrics ng awitin na tila moving forward na si Moira sa sakit na pinagdaraanan.

@moiradelatorre happy malaya day 🍂 #fyp #foryou ♬ original sound - Moira Dela Torre

Matapos ang tatlong taon ng pagiging kasal, kinumpirma mismo nina Moira at Jason ang kanilang hiwalayan sa isang Facebook post noong May 31.

Balikan ang relationship timeline nina Moira at Jason sa gallery na ito: