GMA Logo Xian Lim and Kim Chiu
Source: xianlimm (Instagram)
What's Hot

Xian Lim, may plano na bang pakasalan si Kim Chiu?

By Jimboy Napoles
Published June 15, 2022 5:16 PM PHT
Updated June 15, 2022 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Xian Lim and Kim Chiu


Kailan nga ba planong pakasalan ni Xian Lim ang girlfriend niyang si Kim Chiu? Alamin ang kaniyang sagot DITO:

Mahigit 10 taon nang magkasintahan ang Kapuso actor na si Xian Lim at TV host-actress na si Kim Chiu kaya marami na rin ang nagtatanong kung kailan nila balak magpakasal.

Sa newest showbiz podcast ng GMA na "Updated with Nelson Canlas," diretsahang sinagot ni Xian ang tanong tungkol sa planong pagpapakasal kay Kim.

Aniya, "The direct answer is I don't see myself getting married soon.

"Ang daming nagtatanong, 'Xian, naniniwala ka ba sa idea of marriage?'," tanong ng showbiz correspondent na si Nelson Canlas.

"Yes, of course, I do. But marriage, I think 'di siya minamadali," sagot ni Xian.

"Wala na akong masagot sa kanila. Nilalaro ko nalang talaga 'yung sagot ko. Sometimes, I say siguro mga 60 years old, 70, 80. It's because I just play around," dagdag pa ng aktor.

Paglilinaw pa ni Xian, "We love each other so much and that's what's important."

Aminado rin si Xian na gagawin nilang pribado ang magiging kasal nila ni Kim at iaanunsyo na lamang nila ito kapag sila ay handa na.

"When the time comes, maybe I don't know, maybe itatago muna namin then when we're ready, we will announce it just like our relationship noong nagsisimula kami," aniya.

"Once it's out there, ang daling puntiryahin, target-in. It's so easy to take the happiness away.

"So I think dapat [ilabas lang] kapag ready ka na. Parang bahay. Kapag solid na 'yung foundation ng bahay, hindi na 'yan guguho e, 'di ba?," dagdag pa niya.

Samantala, silipin ang ilan sa pogi photos ng dating False Positive actor na si Xian sa gallery na ito: