GMA Logo kylie padilla and gerald anderson
What's Hot

Kylie Padilla at Gerald Anderson, magtatambal sa isang pelikula

By Jimboy Napoles
Published June 22, 2022 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla and gerald anderson


Bibida sa isang pelikula sina Kylie Padilla at Gerald Anderson. Ang buong detalye, basahin DITO:

Sa kauna-unahang pagkakataon, magtatambal ang Sparkle artist na si Kylie Padilla at Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa pelikulang Unravel na gagawin ng MAVX Productions.

Sa isang 10-minute Facebook live ng production outfit nitong Linggo (June 19), ipinasilip ang look test nina Kylie at Gerald bilang sina Lucy at Noah para sa nasabing pelikula na kanilang pagbibidahan.

Sa ngayon ay wala pang ibang detalye na inilalabas ang nasabing produksyon para sa kanilang bagong pelikula.

Samantala, bukod kina Kylie at Gerald, magsasama rin isang proyekto ang Kapuso comedian-actor na si Paolo Contis at Joross Gamboa.

A post shared by Mavx Productions Inc. (@mavxproductions)

Mapapanood naman si Kylie sa GMA Primetime series na Bolera gabi-gabi pagkatapos ng First Lady.

Samantala, balikan ang ilang Kapuso-Kapamilya pairings sa gallery na ito: