TV

'Start-Up Ph' directors talk about Alden Richards and Bea Alonzo's chemistry

By EJ Chua

Ngayong taon, mapapanood sa GMA-7 ang pinakabagong drama series na Start-Up Ph.

Ang seryeng ito ang kauna-unahang TV project na pagtatambalan ng Kapuso stars na sina Alden Richards at Bea Alonzo.

Pero ang tambalang Alden at Bea, may chemistry nga ba?

Sa katatapos lang na online media conference para sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up, ibinahagi ng mga direktor ng naturang programa ang chemistry na nakita nila agad kina Alden at Bea.

Pagbabahagi ni Direk Jerry Sineneng, “Sila together, magic! They brought life sa characters na inassign sa kanila. Hindi lang life pero napakahusay na pagbibigay buhay. When they are together in a scene, magic, it lights up. Mayroon silang dalawang chemistry. I'm sure Direk Dom will agree with me, isa sa hardest trabaho ng direktor is to build chemistry… They worked together naman sa endorsements, pero iba 'yung mahabaan na show. Hindi kami nahirapan, building the chemistry nung dalawa.”

Ayon naman kay Direk Dominic Zapata, it's not just about skill, but also "'Yung generosity mo. Saka 'yung understanding of the bigger picture. Ano kasi sila eh, they are very secure with themselves. Parang, hindi ko kailangang agawin 'yung eksena, sa kanya 'to, ibibigay ko 'to.”

Dagdag pa ni Direk Jerry, “Ang nakita ko sa dalawa, I don't know if they talk about it, pero 'yung bigayan. I mean if it's Bea's scene, Alden would support ibibigay niya 'yun kay Bea. If it is Alden's scene, Bea will give it to him. Hindi ko alam if they constantly talked about it or bilang magagaling na mga artista bigla na lang lumalabas… Gandang ganda ako sa ganung working relationship nila.”

Kaugnay nito, ibinunyag ng award-winning directors na mayroong intimate scenes sina Alden at Bea na dapat abangan ng Filipino viewers.

Unang sinagot ni Direk Jerry ang tanong tungkol dito, “Mayroon po, may aabangang intimate scenes."

Sagot naman ni Direk Dominic, “Wala pa kaming nashu-shoot pero mayroon.”

Samantala, kilalanin ang iba pang co-stars nina Alden Richards at Bea Alonzo sa Start-Up Ph sa gallery na ito.