GMA Logo jillian ward and john lloyd cruz
Courtesy: jillian (IG)
What's Hot

Jillian Ward meets her idol John Lloyd Cruz

By EJ Chua
Published June 24, 2022 11:11 AM PHT
Updated June 24, 2022 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward and john lloyd cruz


Masayang nakatrabaho ni Jillian Ward si John Lloyd Cruz sa sitcom na 'Happy ToGetHer.'

Ang young Kapuso actress na si Jillian Ward ay hinahangaan ng maraming Filipino viewers dahil sa kaniyang natural na kagandahan at excellent acting skills.

Ngunit nang makatrabaho ni Jillian ang aktor na matagal na niyang iniidolo, nagmala-fangirl siya sa harap nito.

Kasalukuyang napapanood sa GMA sitcom na Happy ToGetHer ang young actress bilang si Maye, ang pamangkin ni Tito Bert (Jobert Austria).

Kamakailan lang, ilang videos ang in-upload ng aktres sa Instagram Stories, kung saan mapapanood ang pagtatagpo nila ng kaniyang idol na si John Lloyd Cruz.

Kapansin-pansin na kilig na kilig si Jillian nang makausap nang malapitan ang Happy ToGetHer lead actor.

Matatamis na ngiti kasi ang ibinalik ni John Lloyd sa reaksyon ng young actress na nag-guest sa kanilang programa.

Bukod kay Jillian, ilang celebrities din ang nagbahagi ng experiences nila nang personal na makita at makausap ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Ilan sa kanila ay sina Kim Domingo at Eunice Lagusad.

Samantala, abangan si Jillian Ward sa Abot Kamay Na Pangarap, ang pinakabagong drama series na ipapalabas sa GMA-7 ngayong taon.

Tingnan ang mga larawan ni Jillian Ward mula sa kaniyang 17th birthday pictorial sa gallery na ito: