Showbiz News

Richard Gomez to push for film restoration in Congress

By Nherz Almo

"Masarap 'yung feeling."

Ganito raw ang pakiramdam ng actor-politician na si Richard Gomez sa ikalawang straight win ng kaniyang partido sa Ormoc City.

Sa katatapos lamang na national election, muling nakuha ni Mayor Richard ang pulso ng mga botante kaya nahalal siya bilang Representative ng Fourth District ng Leyte, kung saan kabilang ang pinamamahalaan niya ngayong Ormoc City. Siya ang hahalili sa asawa niyang si Lucy Torres-Gomez, na maninilbihan naman muli bilang mayor sa nasabing lungsod.

"Siguro, nakita nila 'yung magandang performance na ginawa nami kaya it's second time na naka-straight win kami rito," nakangiting pahayag ni Richard nang makapanayam siya ng ilang piling media, kabilang ang GMANetwork.com, sa ginanap na Piña Festival Queen 2022 nitong Linggo, June 26.

Sa dalawang taon niyang pagiging alkalde ng Ormoc City, nagpursige raw si Richard na maiba ang imahe ng kanilang probinsya.

Aniya, "Ang maipagmamalaki ko rito is really the peace and order situation of Ormoc. Bago ako naging mayor ng Ormoc City, this used to be the drug capital of Region 8. When I became mayor, 'yun talaga ang prinayoritize ko, ang matanggal ang droga. In less than a year, in-achieve namin na manalo kami na one of the safest cities in the Philippines. Talagang prinayoritize ko 'yon kasi if you want progress and development, kailangan talaga maganda and peace and order ng isang lugar. So, doon talaga naka-base ang governance ko."

Ayon pa kay Richard, malaking bagay sa pagiging public servant ang matinding kagustuhan na maisulong ang mga programa. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit patuloy siyang sinusuportahan ng publiko.

"'Yung trabaho ng mayor, kailangan matigas ka, kailangan may political will ka, e. At saka dapat may plano talaga. Like ako, mayroon akong 10-point agenda na 'yun lang talaga ang dinadala ko. Priority ko talaga is peace and order, agriculture, health, and food security. Doon talaga naka-anchor 'yung mga plano ko."

Sa pagpapalit nila ng puwesto ni Lucy, sinabi ni Richard na hindi malaki ang magiging pagbabago.

Paliwanag niya, "There'll be minor changes kasi ang magpapalit lang ay ako at si Lucy. 'Yung mga staff namin will remain the same."

Kaugnay nito, sinabi ni Richard na bagamat mag-asawa sila ni Lucy, hahayaan lang niya ang kaniyang asawa sa kung paano niya gustong pamunuan ang Ormoc City.

"So, with regards to sa mga plano and programs, diskarte na ng mayor 'yon, hindi ako makikialam kasi panahon niya 'yon, e. So, it's really up to her, I will be here to support her and to guide her," sabi ni Richard.

Sa kaniyang parte naman bilang kongresista, dadalhin pa rin daw ni Richard ang mga programang nasimulan na niya bilang mayor.

"Well, there are a lot opf bills that needs to be filed. Alam mo, ang priorities ko simple lang, e. Number one, siyempre, peace and order and national security. 'Yung food security is very important to me kaya 'yung agriculture importante sa akin. 'Tapos sports and anti-drugs. Basically, 'yun talaga ang gusto kong gawin sa congress."

Bilang matagal nang bahagi ng entertainment industry, kabilang din ito sa mga nais niyang isulong kapag naupo na bilang congressman.

Aniya, "Alam mo, ang dami nating pelikula na hindi nai-store nang mabuti--nabubulok, inaamag. So, through the funds coming from the national government, gumawa tayo ng isang archive nang sa ganun ma-restore natin yung mga film stocks.

"Kasi, kapag tiningnan mo 'yung mga film stocks ngayon nasa Quiapo na, ginagawang torotot, e. Yun talaga ang gusto kong gawin. It's very important sa film industry na mayaroon tayong film archive--controlled 'yung temperature, controlled 'yung humidity."

Samantala, ngayong mas mapapadalas na siya sa Metro Manila dahil sa kaniyang bagong posisyon, marahil ay maikukusidera na rin daw ni Richard ang gumawa paminsan-minsan ng proyekto bilang aktor.

"I will definitely miss Ormoc, but ang trabaho naman ng Congress I have time to come home dito," sabi ng aktor.

Samantala, tingnan ang iba pang celebrities na nanalo sa nakraang eleksyon sa ibaba: