GMA Logo Ruru Madrid and Bianca Umali
What's Hot

Ruru Madrid, nagsalita na tungkol sa nali-link sa kaniya na si Bianca Umali

By Aedrianne Acar
Published June 29, 2022 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Bianca Umali


'Lolong' star Ruru Madrid, may ibinahagi sa publiko tungkol sa namamagitan sa kanila ng Sparkle actress na si Bianca Umali. Alamin ang buong detalye RITO.

Naging bukas ang Kapuso primetime star na si Ruru Madrid tungkol sa isang espesyal na tao sa kaniyang buhay sa showbiz podcast show na "Updated with Nelson Canlas."

Sa ulat ng 24 Oras, ibinahagi nito ang isang parte ng panayam ni Ruru kung saan isinalarawan niya ang nali-link sa kaniya na si Bianca Umali.

Ayon sa Lolong star, “I would consider her bilang isang tao na maraming nagagawa for me.”

Naging mahirap din daw para sa kanila ni Bianca na pareho silang nasa show business.

Paliwanag ng Kapuso hottie, “It's hard, sobra, sobrang hirap. Totoo 'yung sinasabi ng mga tao na konting kibot mo, may masasabi at masasabi sila.”

Pagpapatuloy niya, “And it's not that parang gusto namin ilihim 'to sa mga tao, pero sometimes ito na lang 'yung natitirang bagay for me na mako-consider ko na sa akin lang.”

Sa susunod na Lunes, July 4, mapapanood na ng mga Kapuso ang dambuhalang adventure serye na Lolong sa GMA Telebabad.

Malaki raw ang sakripisyo ni Ruru para sa project na ito at kinailangan niya pagtuunan ang pagpapaganda ng kaniyang katawan.

Kuwento ni Ruru, “Grabe 'yung katawan ko nun, dapat lagi 'yung batak. Gigising ako ng morning, magwo-work out ako ng around 4:30 (a.m.), 5 a.m.”

Bukod sa Lolong, malapit na rin mapanood ang aktor sa biggest reality-game show na Running Man Philippines.

Nasa South Korea na si Ruru, kasama ang iba pang cast members para sa shoot nila for the first season.

Tingnan ang ilan sa sweetest photos nina Ruru Madrid at Bianca Umali DITO.