GMA Logo Vic Sotto Vico Sotto and Coney Reyes
Source: Pasig City Public Information Office
What's Hot

Vic Sotto and Coney Reyes attend son Mayor Vico Sotto's oath taking

By Jimboy Napoles
Published June 30, 2022 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto Vico Sotto and Coney Reyes


Congratulations, Mayor Vico Sotto!

Very proud na dumalo ang Eat Bulaga host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes sa oath taking ceremony ng kanilang anak na si Vico Sotto para sa kaniyang ikalawang termino bilang alkalde ng lungsod Pasig ngayong araw, June 30.

Sa mga larawan na ibinahagi ng Pasig City Information Office (PCIO), makikita na kasama ni Mayor Vico ang kaniyang mga magulang sa stage, kung saan hawak ni Coney ang bibliya, habang hawak naman ni Vic ang babasahin ng anak para sa panunumpa.

Source: Pasig City Public Information Office

Matatandaan na nanguna si Mayor Vico sa resulta ng botohan nitong nagdaang eleksyon laban sa dating Vice Mayor ng Pasig na si Christian "Iyo" Caruncho-Bernardo.

Nito lamang June 17 ay nagdiwang din ng kaniyang ika-33 kaarawan si Mayor Vico kasama ang kaniyang ina na si Coney at mga kapatid.

Samantala, silipin naman ilang sweet photos ng mag-inang Coney at Mayor Vico sa gallery na ito: