Showbiz News

Kylie Padilla, naiyak sa ipinadalang video ni Aljur Abrenica

By Jimboy Napoles

Hindi naiwasang maging emosyonal ng Bolera actress na si Kylie Padilla sa ipinadalang video sa kanya ng aktor at estranged husband na si Aljur Abrenica.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kylie ang nasabing video kung saan makikita ang panganay na anak nila Aljur na si Alas Joaquin habang ito ay nagsasanay lumangoy sa isang swimming pool.

"@ajabrenica [Aljur Abrenica] sent this to me today," sulat ni Kylie sa unang bahagi ng kanyang post.

Naiiyak daw ang aktres dahil sa unti-unting paglaki ng kanyang anak.

Aniya, "Oh my child you put mama in a state of awe. I can only watch you grow into your own human being. Gosh lahat nalang iniiyakan ni mama huhuhuhu."

Halos isang taon na ang nakalipas matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nina Kylie at Aljur pero nananatili naman silang magulang para sa kanilang mga anak na sina Alas at Axl.

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

Kamakailan ay inamin din ni Kylie sa podcast na Updated with Nelson Canlas na nakikipag-date na rin siya ngayon. Pero hindi pa siya nagbigay ng ibang detalye tungkol dito.

Bukod sa kanyang GMA Primetime series na Bolera, bibida rin si Kylie sa pelikulang Unravel, kung saan makakatambal niya ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Samantala, silipin ang ilang sweet moments ni Kylie kasama sina Alas at Axl sa gallery na ito: