
Todo ang suporta ni Bolera actress Kylie Padilla para sa pinakabagong proyekto ni Ruru Madrid, ang Lolong, na mapapanood na ngayong Lunes, July 4, sa GMA.
Ipinaabot ng aktres ang pagbati sa pamamagitan ng isang video na ibinahagi niya sa Instagram.
"Hi Ru, gusto lang kita i-congratulate. Ito na ang matagal mong pinaghirapan. Naalala ko na ikinuwento mo sa akin na talagang minahal mo 'yung project na ito and malapit na siyang ipalabas. Congratulations and kita tayo sa telebabad," sabi ni Kylie.
Isa si Ruru sa malalapit na kaibigan ni Kylie sa showbiz. Nagkasama ang dalawa sa Encantadia, The Cure, TODA One I Love, at Regal Studios Presents: My Fairytale Hero.
Patuloy na mapapanood si Kylie sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang tambalang Kylie Padilla at Ruru Madrid sa gallery na ito: