
Sa ikalawang episode ng "What #RU made of?" vlog series ni Ruru Madrid, inamin ng aktor kung bakit espesyal para sa kanya si Kylie Padilla.
"Sobrang espesyal mo sa akin. Malaking factor ka sa buhay ko. And I guessed ganoon ako sa 'yo. Anytime na kailanganin mo ako, I'm just a call away, i-message mo lang ako, anytime nandyan agad ako," sabi ng aktor.
Dagdag niya, "Ganoon ko pinapahalagahan 'yung naging relationship natin. And I guessed ayon 'yung naging advantage natin."
Hindi maitatanggi ang chemistry na mayroon sina Ruru at Kylie on-cam, lalo na sa primetime series na Encantadia, pero ani ng aktor hindi ito umabot sa mas malalim na relasyon.
"Aminado ako na kapag mayroon akong mga leading ladies sometimes kung saan-saan napupunta. Pero sa ating dalawa hindi tayo umabot sa ganu'n. Wala tayong ganu'n and 'yun siguro 'yung naging advantage natin na mas nauna 'yung pagiging professional and then eventually lumalabas 'yung pagkakaibigan," dagdag niya.
Noong Enero, balik-tambalan sina Ruru at Kylie sa weekend anthology series na Regal Studios Presents: My Fairytale Hero bilang sina Brando at Jen.
Samantala, naghahanda na ngayon si Kylie para sa bago niyang primetime series sa GMA, ang Bolera, kung saan bibigyang buhay niya ang karakter ni Joni, isang billiard prodigy.
Nakabalik na rin si Ruru sa set ng upcoming action-drama serye na Lolong para ipagpatuloy ang kanilang lock-in taping na tatagal ng 45 days.
Tingnan ang tambalang Kylie Padilla at Ruru Madrid sa gallery na ito: