Celebrity Life

What makes Kris Bernal feel like a Princess?


Busy ngayon ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa kanyang GMA Telebabad series with Aljur Abrenica na Prinsesa ng Buhay Ko. Paano kaya nagbibigay ng royal treatment si Kris sa kanyang loved ones? Tuwing kailan niya nararamdamang isa siyang Prinsesa? 

Bago magsimula ang Prinsesa ng Buhay Ko, nagbakasyon si Kris kasama ang kanyang pamilya sa Europe. Siya mismo ang nag-treat sa kanyang pamilya, at talaga namang nag-enjoy sila sa sightseeing, shopping at pagkuha ng larawan.

Ganito pinadadama ni Kris ang royal treatment sa mga mahal niya sa buhay- may effort at higit sa lahat, may puso.

Aniya, “Sa totoo lang, ayoko kasi ‘yung nagbibigay ng mga regalo. I mean, parang walang hirap. Minsan nga, mas pipiliin ko pang gumawa nalang ng card kaysa bumili ako ng isang mamahaling regalo. Medyo hindi ako sa materyal na bagay.”

Baliktarin naman natin ang situwasyon. Sa anong mga pagkakataon nararamdaman ni Kris na siya ay isang Prinsesa?

Maraming pagkakataon na daw niya naramdaman na siya ay isang Prinsesa in her own way. Anu-ano ang mga ito?

“Unang-na, feeling ko Princess ako everytime na bibigyan ako ng bagong show. Kasi iniisip ko, ang dami namang puwedeng makakuha ng bagong shows, ‘di ba? Bakit sa akin napupunta?,” tanong niya.

“Pangalawa, ‘pag pinagtatanggol ako ng mga fans ko sa mga haters at sa mga nang-aaway sa akin. Hindi ko na kailangang magsalita kasi nandiyan na sila. Talagang Princess ako nun,” wika niya.

“’Pag nakakatulong ako sa mga charity, ‘pag napapasaya ko ‘yung mga bata or may maabutan man lang ako sa daan, makabili ako ng Sampaguita sa kanila, feeling ko talaga Princess ako,” dagdag niya.

Ano naman kaya ang kailangang gawin ng isang guy para maparamdam sa kanya ang royal treatment?

“Siguro gusto ko ‘yung sweet lang sa akin, at saka ‘yung pinaghihirapan niya,” ayon kay Kris.

Ganito ba ang pagtrato sa kanya ng kanyang leading man sa series na si Aljur Abrenica?

Mabilis niyang sagot, “Oo. Nakakatuwa siya kasi ‘pag gagawa siya ng effort sa akin, ‘pag may ireregalo ‘yan, alam mong pinag-isipan talaga. May meaning, hindi basta magreregalo na magandang whatever.”

Ano ang pinakanagustuhan niyang regalo ni Aljur sa kanya?

“May ginawa siyang parang sa isang picture frame na may mga pictures namin na maliliit. ‘Yun, simple lang siya pero nakakatuwa kasi nandun lahat ng mga shows namin na ginawa. Naka-display pa ‘yun, at lahat talaga ng gifts niya, naka separate, ibang drawer,” aniya.

Dagdag pa niya, “Minsan may mga letters din siya sa tissue paper na kakornihan. Minsan may mga heart-shaped na bato na ibibigay niya tapos sinusulatan niya, mga ganun. “

Sa sarili niya, ano ang gustong iregalo o makamit ni Kris para talagang masabi niya na siya ang Prinsesa ng sarili niyang buhay?

“Siyempre madami pa, pero ang pinakagusto ko talaga, ang magkaroon ako ng award, acting award or recognition. Goal ko talaga ‘yun at dream ko,” sagot niya.

Abangan si Kris Bernal bilang Princess sa Prinsesa ng Buhay Ko, pagkatapos ng Pyra Babaeng Apoy sa GMA Telebabad. -Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com