GMA Logo Jason Abalos
Source: thejasonabalos (Instagram)
What's Hot

Jason Abalos, naupo na bilang bokal sa pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija

By Jimboy Napoles
Published July 5, 2022 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jason Abalos


May bagong misyon ang Kapuso actor na si Jason Abalos bilang isang public servant. Alamin DITO:

Isa ang aktor na si Jason Abalos sa mga artista na tumakbo at mapalad na nanalo sa nagdaang eleksyon 2022. Kahapon, July 4, opisyal nang naupo ang aktor bilang Provincial Board Member sa ikalawang distrito ng Nueva Ecija.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Jason ang kanyang larawan sa unang araw niya sa opisina sa kapitolyo ng nasabing probinsiya.

"Simula na ang Misyon," saad ni Jason sa kanyang post.

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)

Nagbigay naman ng pagsuporta kay Jason ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz gaya nina Kapuso stars Jestoni Alarcon, Rodjun Cruz, at Antonio Aquitania.

"Congrats Bro, good luck," ani Jestoni.

Kamakailan ay inanunsyo naman ni Jason na siya ay engaged na sa kanyang longtime girlfriend na si Vickie Rushton.

Huli namang napanood si Jason sa GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas bilang si Gabriel Lucero kung saan nakatambal niya si Start-Up PH actress Yasmien Kurdi.

Samantala, kilalanin ang ilan pang celebrities na nanalo sa eleksyon at nanumpa na sa kanilang tungkulin bilang public servant sa gallery na ito: