GMA Logo Dasuri Choi
What's Hot

Dasuri Choi, inaming 'cute' ang 'Bubble Gang' co-star na si Sef Cadayona

By Dianne Mariano
Published July 5, 2022 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bogo City, Cebu buy-bust yields P7.5-M shabu, drug suspect
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Dasuri Choi


Si Dasuri Choi ang pinakabagong miyembro ng award-winning gag show na 'Bubble Gang.' Balikan ang July 3 episode ng 'TBATS' dito:

Noong nakaraang Linggo (July 3), nakasama at nakisaya ang newest Bubble Gang member na si Dasuri Choi sa The Boobay and Tekla Show.

Iba't ibang nakaiintrigang tanong ang hinarap ni Dasuri at isa na rito ay kung sino sa tingin niya ang pinaka-cute na lalaki sa Bubble Gang.

Ayon sa Korean social media star, cute raw ang Kapuso actor na si Sef Cadayona.

PHOTO COURTESY: sefcadayona (IG)

Aniya, “Dati pa, kilala na namin isa't isa. Tapos ngayon nagkita kami ulit tapos parang smooth 'yung skin pa rin, tapos ang galing pa niya sumayaw, tapos super caring siya.

“Nire-respect ko rin siya as an actor [and] as a dancer.”

Ibinahagi rin ni Dasuri ang kanyang naging reaksyon nang malaman na magiging bahagi siya ng multi-awarded gag show.

“Actually, narinig ko sabi nila guesting. So sabi ko, 'Okey, kayang kaya ko 'yan guesting' tapos biglang regular. Sabi ko, 'Regular? Paano ba maging regular? Korean ako, paano ba magpapatawa sa mga Filipino?'

“Sabi ko, 'Paano 'yon?' Sabi nila, 'Nakakatawa ka naman. Kayang kaya mo yan.' Sabi ko, 'Sige nga, try ko nga.' First, one and only foreigner in Bubble Gang,” kuwento niya.

Hindi rin umatras ang ating guest star sa segment na “Guilty or Not Guilty.” Isa sa mga tinanong sa aktres ay kung mayroon na ba siyang na-basted na Pinoy celebrity.

Sinabi ni Dasuri na siya ay “guilty,” ngunit hindi na niya pinangalanan kung sinong artista ito.

Bukod dito, ipinamalas ng South Korean performer ang kanyang dance moves sa “Ultimate Dance Challenge,” kung saan hinarap niya sina TBATS hosts Boobay, Tekla at ang Mema Squad na sina Jennie Gabriel, Pepita Curtis, Ian Red, at Buboy Villar.

Samantala, nasubok ang acting skills nina Sparkada members Anjay Anson at Roxie Smith sa improv segment na “Ang Arte Mo.” Dito, binigyan ang dalawang Sparkle artists ng tig-iisang linya at kailangan nila itong maiarte gamit ang isang emosyon.

Non-stop talaga ang laughtrip sa The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa TBATS via livestream at sa GMA tuwing Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, silipin ang stylish outfits ni Dasuri Choi sa gallery na ito.