
Ibinahagi ni Rocco Nacino ang pasasalamat sa pag-aalaga ng GMA Network sa kanyang career.
Ayon sa Kapuso actor, isa siyang proud Kapuso dahil ramdam niya ang suporta ng GMA Network at Sparkle GMA Artist Center sa kaiyang career simula nang pumasok siya sa showbiz.
Ikinuwento niya ito sa online presscon nitong July 5 ng Mama Luna series na partnership nina Rocco at Melissa Gohing sa Orabella. Sila ay nag-launch ng Conditioning Shampoo, Bath Gel, and Body Lotion for mommies and the whole family.
Paglalahad ni Rocco sa press, "Ito masasabi ko talaga 'yung tagline na I'm very proud to say na, I am very proud to be a Kapuso. Since StarStruck they are supportive of what I've done, all my ventures."
Photo source: @nacinorocco
Pag-amin ni Rocco, ngayon na magiging tatay na siya kay Baby N, ramdam pa rin niya ang pag-aalaga sa kanyang career ng Kapuso network.
"Nasa stage na ako ng pagiging daddy, nandiyan pa rin sila."
Ayon pa kay Rocco, sinabihan siya ni Melissa na napansin niyang ang projects niya ay nasa primetime. Ang latest na proyekto ni Rocco sa GMA ay First Lady bilang Mayor Moises Valentin.
Kuwento niya sa press, "I'm happy that 11 years na ako sa GMA and I've done nothing but beautiful shows with them."
Ibinahagi rin ni Rocco na may show siyang gagawin at importante ito para sa kanya. Kaya naman nagdesisyon ang aktor na kung mag-leave man siya sa panganganak ni Mel, sinisiguro niyang maiksi lang ito.
"Sabi ko sa kanya if I'm going to take a leave, I'll make sure it's going to be a short break.
"My next show is an important one, I can't give details about it yet, but it's a very important one kaya dapat tutukan talaga."
Samantala, tingnan ang naging gender reveal party nina Rocco at Melissa sa gallery na ito: