What's Hot

Lakorn series na 'My Forever Sunshine,' mapapanood na ngayong Lunes!

By Jansen Ramos
Published July 8, 2022 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO, sinuspinde ang mga driver’s license ng 3 motoristang nagkarera umano at naaksidente sa QC
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz

Article Inside Page


Showbiz News

my forever sunshine


Mapapanood ang 2020 Lakorn series na 'My Forever Sunshine' mula Lunes hanggang Biyernes, simula July 11, 5 p.m. sa GMA.

Isa na namang serye ng sikat na Thai actor na si Mark Prin ang mapapanood sa GMA.

Hatid ng Kapuso network ang 2020 Lakorn na My Forever Sunshine na pinagbidahan nina Mark Prin at Kao Supassara Thanachart.

Lumabas sina Mark Prin at Supassara bilang Artit at Paeng sa original version ng My Forever Sunshine. Sa Filipino-dubbed version naman, makikilala sila bilang Keith at Penny.

Magkababata sina Keith at Penny kaya parang kapatid na ang turingan nila sa isa't isa.

Tuwing napapa-trouble ang spoiled brat na si Penny, ang concerned na si Keith ang kanyang savior.

Makalipas ang ilang taon, muling magtatagpo ang dalawa. Pero hindi tulad noong mga bata pa sila, magiging komplikado ang kanilang samahan dahil mahuhulog ang loob ni Penny sa itinuturing niyang "Kuya Keith."

Kabilang din sa cast ng My Forever Sunshine ang Thai stars na sina Lingling Sirilak Kwong, Punjan Kawin Imanothai, Prawfar Karanchida Khumsuwan at Freud Chatphong Natthaphong.

Mapapanood ang My Forever Sunshine weekdays simula July 11, 5 p.m. sa GMA.

Samantala, bago pa man tayo pakiligin muli ni Mark Prin on Philippine TV, marami na ang na-in love sa kanya sa Instagram. Tingnan ang ilan niyang thirst-trap photos sa gallery na ito: