TV

Bianca Umali's lessons from 'Mga Basang Sisiw'


Two years old pa lang ang Kapuso young actress na si Bianca Umali nang magsimula ang kanyang showbiz career. Patuloy ang mga projects at breaks na kanyang natanggap sa showbiz, at sa kasalakuyan, siya ang gumaganap na Faye sa Mga Basang Sisiw. At tulad ng kanyang character, marami na rin pinagdaanan sa buhay ang young Kapuso actress hindi lang on-screen pero pati na rin sa kanyang personal na buhay.

Ulila na sa ama at ina si Bianca pero may mga bagay pa rin siyang namimiss lalo na ang bonding moments nila ng dad niya, “Sobrang close kami ng Dad ko as in bestest friends in the whole world. Siya ang kasama ko magmotorcycle, siya ‘yung kasama ko mag-guitar,” ang kuwento ng young Kapuso actress.

“Siya ‘yung kasama ko mamasyal, kasi siya na lang ‘yung naiwan na kasama ko after my mom passed away. Mas nadevelop ko ‘yung bond ko with my dad,” dagdag pa niya.

Maganda ang paggabay ng kanyang mga magulang at ito ang kanyang natutunan sa kanila in terms of acting, “last na sinabi niya sa akin is, when you’re in front of the camera, you lift your head up."

Sa pag-arte naman niya bilang si Faye sa ‘Mga Basang Sisiw', ano naman kaya ang kanyang mga natutunan? 

“Marami ka talagang matututunan especially about being a mom like ate,” ang mabilis na sagot ni Bianca.

Pinapakita ang mga hamon ng buhay sa pagiging batang kalye sa palabas. Maka-ilang ulit na rin niyang naranasan ang ganitong klaseng role. Ibinahagi ni Bianca ang kanyang mga narealize habang ginagawa ito.

“Natutunan kong ma-appreciate ‘yung mga tao sa kalye, kasi before ‘pag nakikita ko sila nandidiri ako, kasi marumi sila, not understanding where they came from, not understanding kung bakit sila naging ganun. Kasi, even the rich people they see the street people na, sila ‘yung madudumi. Sila ‘yung masasamang tao. Sila ‘yung mga nagnanakaw. Na-appreciate ko sila nu’ng naging isa akong basang sisiw.”

“Now, I see them as someone who came from something really hard. Sila ‘yung mga people in pain, na wala na silang malapitan, wala na silang makausap, wala na silang mga kamag-anak na tutulong sa kanila. And also, they are the people who no one understands.”

Now that she understands kung ano ang mga pinagdadaraanan ng mga batang kalye, tinanong namin kung ano pa ang dapat naming abangan sa story ni Faye at ng kanyang pamilya. 

“Kung paano sila papahirapan, kung paano sila maghihirap ulit sa kalye, paano sila sasaya at paano mabubuo ang pamilya nila,“ ang pagtatapos ng Kapuso young actress.

Catch Bianca Umali as Faye in Mga Basang Sisiw, after Eat Bulaga, only on GMA. For more updates on your favorite Kapuso shows and stars, keep on visiting www. GMANetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.