TV

Magpakailanman presents 'CHILD FOR SALE: The Buboy Liit Story”


Para sa isang ina, walang papantay sa halaga ng isang anak—lalo na kung ito ay nag-iisa, at matagal hinintay.

Ito ang kuwento ni Wenifer at Lovelio Mendoza, mga magulang na nagulo ang buhay nang isang araw ay bigla na lang nawala ang kanilang unico hijo: si Buboy Liit.

Sa kanilang paghahanap sa kanilang anak, kanila ring mauungkat ang kani-kanilang mga paghihirap at hinagpis... ang kanilang mga problema sa isa’t-isa. At sa patuloy na pagsubok ng tadhana sa kanila, magiging matatag pa ba ang kanilang pagsasama?

Ano na lang ang gagawin nila sakaling wala nang anak na maibalik sa kanila? Sakaling matulad na ito sa mga batang nababalitang hina-harvest para sa mga bumibili ng internal organs?

Alamin ang kahihinatnan ng kanilang kuwento, CHILD FOR SALE: The Buboy Liit Story, ngayong Sabado sa Magpakailanman; featuring Camille Prats and Yul Servo bilang mga magulang ni Buboy Liit, at sa panulat ni Gilbeys Sardea, base sa pananaliksik nila Karen Lustica at Stanley Pabilona.

Magpakailanman airs every Saturday, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.