GMA Logo pokwang lee o brian breakup
Source: itspokwang27 (IG)
What's Hot

Pokwang at Lee O'Brian, magkaibigan pa rin matapos ang hiwalayan

By Jansen Ramos
Published July 10, 2022 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang lee o brian breakup


Ayon kay Pokwang, maayos ang paghihiwalay nila ng longtime partner niyang si Lee O'Brian.

Pormal na nagsalita si Pokwang tungkol sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian.

Sa gitna ng mga maiinit na celebrity breakups ngayong taon, nilinaw ng komedyante na maayos at mapayapa silang naghiwalay ng longtime Amerikano partner niya, na ama ng ikalawang anak niyang si Malia.

Sa isang Instagram post, kung saan makikita ang larawan ni Pokwang kasama ang mga anak, sinabi ng aktres, "Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia, natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng panginoon."

Ayon kay Pokwang, inspirasyon niya ang kanyang yumaong Nanay Gloria sa pagpapalaki sa kanyang dalawang anak.

Patuloy niya, "ikaw aking nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay. salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailan man di ka mawawaglit saking mga dasal."

Bukod kay Malia, may nakakatandang anak si Pokwang na si Mae mula sa dati niyang nakarelasyon.

Paalala ni Pokwang sa mga single parent tulad niya, "Hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya. hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay. #Wagmapagodparasamgaanak"

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Kinumpirma ni Ogie Diaz na hiwalay na sina Pokwang at Lee noon pang November 2021.

Nagkakilala ang dalawa sa set ng pelikulang Edsa Woolworth na ipinalabas noong 2015.

Noong taon ding iyon naging opisyal na magkasintahan sina Pokwang at Lee.

Balikan ang ilan pa sa mga celebrity breakup na naging usap-usapan sa showbiz ngayong taon sa gallery na ito: