Celebrity Life

Benjamin Alves, umangat ang acting sa 'Sana Dati'


Todo puri ang press sa acting ni Kapuso actor Benjamin Alves sa Cinemalaya 2013 Best Picture na Sana Dati. Isa si Benjamin sa tatlong leading men ni Lovi Poe, the other two are TJ Trinidad and Paulo Avelino. Sa ginanap na press conference para sa pelikula, na nagkaroon ng commercial release via GMA Films, nagpasalamat si Benj sa positive feedback na nakuha niya sa kanyang pagganap bilang past lover ng character ni Lovi na si Andrea.

"Maraming salamat po for watching it and receiving it that way. 'Yung natalbugan ko po si Paulo, I think si Direk Jerrold, he has given [weight to] everyone's role, 'yung past, present at future, like andoon naman po lahat ng weight. So I don't know kung may nasapawan po ako or whatever," sagot ni Benj nang sabihan siya ng press na nasapawan niya 'di umano si Paulo Avelino, given na ito ang main male lead sa movie.

Dagdag pa ni Benjamin, kung natalbugan man daw niya si Paulo, hindi niya ito sinasadya. "There was never an intention na may matalbugan actually. Basta po magawa ko po 'yung role bilang artista, okay na po ako doon."

Ang mas mahalaga kay Benj ay ang magiging verdict ng mga manonood ng Sana Dati sa kanyang pag-arte. "I don't think coming in as an actor, that's my objective. Basta po magampanan ko lang 'yung role ng maayos, at marami pong salamat kung sa tingin niyo po ay nagampanan ko naman ng maayos. Sana po 'yun ang ma-perceive [nila] on September 25. Thankful na po ako doon, happy na po ako sa ganung reception."

Huwag palampasin ang Sana Dati, ang Cinemalaya 2013 Best Picture for Directors' Showcase, directed by Cinemalaya 2013 Best Director Jerrold Tarog, on theaters nationwide beginning September 25. Also watch out for Benjamin Alves in Katipunan, premiering October 19 on GMA. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com