GMA Logo Joey de Leon, Toni Gonzaga
What's Hot

Joey de Leon at Toni Gonzaga, magsasama sa isang pelikula?

By Jimboy Napoles
Published July 12, 2022 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Joey de Leon, Toni Gonzaga


Ito na ba ang reunion ng original 'Eat Bulaga' host na si Joey de Leon at dating host nito na si Toni Gonzaga? Alamin DITO:

Mabilis na pinag-usapan sa social media kamakailan ang unang apat na pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Kabilang sa mga pelikulang ito ay ang The Teacher na inanunsyong pagbibidahan ng Eat Bulaga host na si Joey de Leon at TV host-actress na si Toni Gonzaga sa ilalim ng produksyon ng TEN17P na pagmamay-ari ng direktor at asawa ni Toni na si Paul Soriano.

Source: Metro Manila Film Festival (Facebook)

Maituturing na reunion nina Joey at Toni ang nasabing pelikula dahil minsan na ring naging host ng longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga si Toni noong 2002 hanggang 2005 kung saan nakasama niya ang tinaguriang 'Henyo Master' na si Joey.

Samantala, wala pang inilalabas na ibang detalye tungkol sa nasabing pelikula mula sa produksyon at sa mga artistang gaganap dito.

Tumutok naman sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.