GMA Logo Allen Ansay, Sofia Pablo
Source: itsmeallenansay
What's Hot

Team Jolly fans nina Sofia Pablo at Allen Ansay, kinilig sa kanilang 'promposal'

By Jimboy Napoles
Published July 14, 2022 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay, Sofia Pablo


Panoorin ang ginawang proposal ni Allen Ansay kay Sofia Pablo DITO:

Pinusuan hindi lang ng Team Jolly fans kung 'di pati ng ilang netizens ang ginawang kilig proposal ni Allen Ansay sa aktres at kanyang onscreen partner na si Sofia Pablo upang kanyang maging date sa gaganaping GMA Thanksgiving Gala ngayong July 30.

Sa isang vlog na ipinost ng Sparkle sweethearts sa kanilang joint YouTube account na Alfia Official kahapon, July 13, mapapanood ang nasabing proposal ni Allen.

Makikita dito na nag-guest sina Allen at Sofia sa isang event sa Bicol at sabay na nagpasaya ng maraming Bicolanos. Pero hindi natapos dito ang pagpapakilig ng dalawa dahil pagkatapos ng kanilang performance sa stage ay biglang lumuhod si Allen at sorpresang niyaya si Sofia na kanyang maging date sa nasabing event. Makikita rin sa LED screens sa stage ang paanyaya ng aktor.

"Will you be my jolly date at the GMA Gala Night?" saad dito.

Masaya namang tinanggap ni Sofia ang proposal ni Allen at napayakap pa sa aktor dahil sa sorpresang ginawa nito. Ito rin ang unang beses na nakabisita si Sofia sa hometown ni Allen sa Bicol.

Marami naman sa kanilang fans ang kinilig at hindi napigilang magkomento sa nasabing video.

"Very happy and confident to hear that Sofia accepted the "proposal" by Allen [smiling emoji] Mahal namin kayong dalawa and more positive happenings to come," comment ng isang fan.

"Thanks to Allen, nakikita talaga kung gaano kahalaga si Sofia sa kanya," saad naman ng isang netizen.

"I'm so very happy to hear na inaccept ni ate Sofia ang proposal ni kuya Allen [smiling emoji] love you both," mensahe pa ng isang fan.

Samantala, bukod sa GMA Thanksgiving Gala, abangan din sina Sofia at Allen sa kanilang upcoming kilig-series na LUV IS: Caught In His Arms na magsisimula na sa darating na Oktubre.

Makakasama nila dito ang ilan pa sa mga bagong Kapuso stars at Sparkle GMA Artists mula sa Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.

TINGNAN ANG ILANG SWEET PHOTOS NINA ALLEN AT SOFIA SA GALLERY NA ITO: