Showbiz News

Alex Medina, nanawagan ng tulong para sa amang si Pen Medina

By Jimboy Napoles

Humihingi ngayon ng tulong pinansyal ang Love You Stranger actor na si Alex Medina para sa kanyang ama at batikang aktor na si Pen Medina na kasalukuyang nasa ospital dahil sa pagkakaroon ng Degenerative Disc Disease (DDD) na dahilan kung bakit hindi ito makaupo o makatayo.

Sa isang Facebook post, nanawagan ng tulong si Alex para sa 71 taong gulang niyang ama na si Pen.

"A call for charity for Pen Medina.

"To his friends, relatives, and co-workers:

"Our dad, 71-year-old actor Pen Medina, has been in the hospital for three weeks now and currently cannot sit or stand up due to Degenerative Disc Disease (DDD)," saad ni Alex sa post.

Ayon pa sa nasabing post, walang naging proyekto o trabaho ang batikang aktor simula nang nagkaroon ng pandemya kung kaya't halos paubos na ang mga ipon nito na nagamit niya sa halos dalawang taon na walang hanap-buhay.

Kuwento ni Alex, "Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years."

Nagtutulong-tulong naman ang pamilya nina Alex para sa gastusin ng pagpapagamot sa ama ngunit batid ng aktor na kinakailangan na rin nilang humingi ng tulong sa iba upang mas mapabilis ang paggaling ng ama.

Aniya, "We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him.

"We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet - literally and figuratively.

"Maraming salamat."

Sa Martes, July 19, naka-schedule ang major spine surgery ni Pen. Sa mga nais magpaabot ng tulong, tingnan ang mga bank accounts na nasa ibaba.

GCASH
Account Number: 09778234150
Account Name: Kathleen Medina

Bank of the Philippine Islands(BPI)
Account Number: 4539-0752-12
Account Name: Kathleen Medina

Unionbank
Account Number:1094-2398-3730
Account Name: Kathleen Medina

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG PINOY CELEBRITIES NA MAY RARE MEDICAL CONDITIONS SA GALLERY NA ITO: