
Balik-trabaho na si Iya Villania sa 24 Oras bilang host ng showbiz segment nitong "Chika Minute."
Noong Martes, July 19, opisyal na nagbalik sa studio si Iya, isang buwan matapos na manganak kay baby Astro.
"At iyan ang mga chika ko this Tuesday night. Ako po ay ang nagbabalik na si Iya Arellano," sabi ni Iya.
Sa pagbabalik, masaya siyang binati ng co-hosts na sina Mel Tiangco at Mike Enriquez kung saan biniro siyang sumayaw, na agad namang ginawa ni Iya bago matapos ang show.
Nang manganak si Iya, ilan sa Kapuso artists na naging guest anchor ng showbiz segment ay sina Rabiya Mateo, Kyline Alcantara, Megan Young, Luane Dy, at Bianca Umali.
TINGNAN ANG UNANG MOMENT NINA IYA VILLANIA AT DREW ARELLANO SA KANILANG ANAK NA SI ASTRO.